March 11th, 2007

MMK

MMK? Whatda?!

Miski ako hindi ko 'rin maintindihan bakit napanuod ako nyang MMK last friday. Natandaan ko lang dahil medyo nagandahan ako sa message nung episode.

To give you a brief summary of the episode, may isang student at yung teacher niya. Puro flashback yung story at kaya sa past umiikot yung story at konti lang yung sa present. The student "Emily" was sick of cancer and "Ma'am (I forgot her name)" was her teacher way back in elementary. 'Yan yung setup nung story. Then yung kwento doon sa girl, yung lola niya lang yung nag-aalaga sa kanya. Yung parents niya kasi naghiwalay agad habang bata pa sila then ang source of inspiration niya, si "Ma'am". Si Ma'am naman, favorite student niya si Emily dahil masipag at pag malungkot si Ma'am, siya lang ang tanging nakakapagpasaya sa kanya. Si Ma'am, may pamilya rin kaso masyado siyang tutok sa pagiging guro kaya hindi niya naaasikaso masyado ang kanyang pamilya. 'Yan ang pinag-aawayan nila ng kanyang asawa. Ang mga anak ni Ma'am, napapalayo sa kanya dahil napapansin nila na walang oras para sa kanila ang kanilang ina.

Nung makatapos si Emily ng elementary, hindi niya na naging guro si Ma'am. Hirapan rin siya dahil pagkatapos ng kanyang graduation, umalis bigla ang kanyang ama. Natira nalang silang tatlo, Lola niya at ang kanyang kapatid. Ibinuhos niya ang kaniyang oras sa larangan ng sining, palakasan, at sa pag-aaral. Habang siya ay nasa kalagitnaan ng isang paligsahan, siya'y biglang nadapa at hindi makatayo sa sobrang sakit. Nang ipatingin nila ito, may cancer pala siya sa tuhod at kailangang putulin ang kaniyang paa para hindi umakyat ito hanggang sa baga. Akala nila'y naagapan siya. Sa kasamaang palad, umakyat ang cancer sa kanyang baga at siya'y isang buwang nagtitiis sa ospital at huli na ang lahat. Ang tanging kahilingan lang ni Emily bago siya mamaalam ay, makitang magkasama ang kaniyang mga magulang, makasama niya si Ma'am, magkasama-sama silang lahat sa huling sandali.

Sa pamamahay naman ni Ma'am, hindi siya maintindihan ng kaniyang asawa dahil tuwing uuwi ito ay puro tungkol kay Emily ang pinaguusapan nila. Kung hindi man kay Emily, problema naman ng kaniyang mga estudyante. Ito ang ikinagalit ng asawa ni Ma'am. Dahil dito ay lalong napalayo ang kalooban ng mga anak ni Ma'am sa kanya. 

Nakikiusap pa rin si Ma'am sa kaniyang asawa na intindihin siya dahil para sa kaniya, doon siya sumasasaya. Sa pagtuturo, pagiging magulang sa kaniyang mga estudyante, at sa pagtulong kay Emily hanggang sa kaniyang huling sandali.

Dumating ang panahon na naghihikahos na si Emily at maagang bumisita si Ma'am kasama ang ina ni Emily na matagal na nawala. Dumating rin ang kaniyang ama. Sa wakas at matutupad na rin ang kaniyang pangarap bago siya mamaalam ng tuluyan. Naisip ng mga magulang ni Emily ang laki ng pagkukulang nila sa kanilang anak. Buti na lang sa pinakahuling pagkakataon ay nakausap pa nila si Emily at naramdaman niya ang piling ng kaniyang mga magulang.

Namaalam si Emily, umuwing malungkot si Ma'am. Sinalubong siya ng lamig ng kanilang tahanan. Siya'y naupo sa salamin at nagmuni-muni. Naisip niya ang halaga ng kaniyang pamilya sa pamamagitan ni Emily. Nakita ni Emily ang isang magulang kay Ma'am. Napaisip si Ma'am na kung magiging magulang na lang siya, dpat niya bang isara ang puso niya sa kaniyang mga estudyante? Sa pagpapakumbaba ng kaniyang asawa, niyakap niya si Ma'am. Ipinakita niya na miski naiwan ni Ma'am ang mga responsibilidad niya sa bahay, malugod niyang tinatanggap muli si Ma'am dahil bukod sa asawa niya ito, doon niya nakikita ang kaniyang kabuuan at kasiyahan.

Minsan sa ating buhay, nakikita natin na mas mahalaga ang mga bagay na natatagpuan sa labas ng ating mga tahanan. Mas nakikita natin na mas masaya tayo o buo tayo sa ating mga kaibigan, trabaho, etc. Ang masakit dito ay unti-unti nating napapabayaan kung ano ang isa sa mga pinakamahalaga sa ating buhay. Ang ating pamilya. Ito ang puno't dulo ng ating pagkatao. Dito nagsisimula ang lahat at sa kahuli-hulihang sandali, ang pamilya rin natin ang ating makakasama. Maaring makakita tayo ng mga kaibigang tunay ngunit karamihan talaga ay pansamantala lamang. Hindi ang pamilya. Ang pagiging pamilya ay isang pang habang-buhay na kasunduan na hindi nga natin pinili pero ito'y hindi natin pwedeng lubayan sa kahit anong paraan.

Pagkatapos ko itong panuorin, tinamaan ako. Naisip ko ang laki ng pagkukulang ko sa aking pamilya. Minsan naiisip ko pa na sila ang ihuli at iba ang unahin. 

Naiisip ko rin na miski anong pasaway ko sa aming pamamahay, pagdating sa aking mga huling sandali, sino-sino rin ang mga maasahan ko?

Mas masarap kumain na nag-aasaran kaming magkakapatid kaysa sa kumakain ka na iba ang kasama mo at kinabukasan hindi ka na nila kilala.

Masarap ilibre manuod ng sine ang mga kapatid mong hindi sumusunod sa iyo.

Ang totoong yakap at halik ay sa pamilya lamang mararanasan. Ang pamilya mong hindi ka kailanman matanggihan.

Saan ka nakakita ng tao na tinakasan mo na ng sasakyan, binunutan mo ng pera sa wallet, ikahiya mo sa harapan ng mga kaibigan mo, pero sa tuwing gigising ka, ipinaghahanda ka ng agahan, pag-uwi mo, gutom na gutom dahil hinihintay ka para kasabay kang maghapunan? 

Masarap pasayahin ang mga magulang na kahit na minsan lang natin halikan at madalas pa nating suwayin.

Masarap ipagmaneho ang lasing mong ama dahil pagod siya sa trabaho at napasabak pa sa inuman.

Masarap kasamang magdasal ang ating Ina na walang tigil sa paghiling ng nakakabubuti para sa inyong pamilya.

Masarap kung mayroon tayong mga kaibigan na ang turing sa atin ay pamilya at pamilya rin ang turing natin sa kanila.

Napakasarap ng pakiramdam pag may problema tayo, hinding-hindi tayo matatanggihan ng ating pamilya.

Pasalamat ko rin na malaki dahil may pamilya akong walang sawang tumutulong at naniniwala sa akin... 

Posted by mataimtim at 09:38 PM | psssst...

March 3rd, 2007

i wonder

everytime we're together

i wonder what's on your mind

i look in your eyes

watch your every move

then you would just look away

there's no choice but to wait

until silence fills the air

 

i'll wait for you to open

sometimes it even reaches to a point

when I want to smash you down

tear you to pieces

just to see, just to feel

the meaningful silence

 

I'd think again

maybe it is just me

being over sensitive

then I would see what I've become

your silence turned me into a stone

just waiting for you all along...

 

I ran out of things to think of

is it your past? your future?

or is it just me you can't take?

am I someone you want to see waking up with?

or someone you see in a coffin?

 

it just breaks my heart to see you like that

knowing what our past looks like

we were so intertwined to each other

now, I see us detached

waiting for one end to fail

and eternally loose its bond

 

it is not me your looking for

he is someone from your past

someone you're eternally bound

waiting for you to accept him back

so you could mend broken vows

continue sharing responsibilities

and share your love for one another

 

for me, i am just a wind that passed you by

you breathe me, and you exhaled

then i would continue my journey to oblivion

I would continue to wait

waiting for someone to see me... 

Posted by mataimtim at 10:52 PM | 2 comments
« Newer | »